Ang website na ito ay isang ligtas na espasyo para sa mga apektado. Walang personal na data ang iimbak o ipapasa sa isang third party. Nais naming mag-alok ng suporta sa mga taong apektado ng disposisyong ito, at bigyan sila ng mga paraan na makakatulong sa kanila na mamuhay kasama nito.
Basahing mabuti ang naka-attach na sulat ng isang babaeng nakaranas ng regular na sexual abuse sa kanyang pagkabata.
Mangyaring maglaan ng oras para isipin kung ano ang mararamdaman ng biktima agad na pagkatapos ng sexual abuse (mga panandaliang resulta). Ano kaya ang mararamdaman ng biktika ilang linggo/buwan/taon ang makalipas (mga pangmatagalang resulta).
May pagkakaiba ba sa mga panandalian at pangmatagalang resulta?
Nakakaugnay ka ba sa offender o sa biktima?
Sulat ng isang biktima
Ako ay isang 19 na taong gulang na babae at biktima ako ng sex abuse sa pagkabata at child pornography. Inaalam ko pa rin ang lahat ng paraan na nakasakit sa akin ang pang-aabuso at pananamantala na naranasan ko, naging dahilan para lumihis ng landas ang aking buhay, at sinira ang normal na pagkabata, mga taon bilang teenager, at pagiging nasa hustong gulang na nararapat magkaroon ang lahat.
Sinimulan akong abusuhin ng aking tiyo noong ako ay 4 na taong gulang. Ginamit niya ang mga karaniwang paraan na alam ko na ngayon para maihanda ng mga nang-aabuso ang kanilang mga biktima para maabuso at panatilihin silang tahimik: ang sabi niya sa akin ako ay espesyal, mahal niya ako, at mayroon kaming mga sarili naming «espesyal na sikreto.» Dahil nakatira siya sa malapit sa aming bahay, hindi naghinala ng anuman ang aking ina at ama kapag pumupunta ako sa kanya.
Una, pinapanood niya ako ng mga pornographic na pelikula at pagkatapos ay sinisimulan niyang gumawa ng mga bagay sa akin. Natandaan kong ipinapasok niya ang kanyang daliri sa aking ari at napakasakit noon. Natandaan kong sinubukan niyang makipagtalik sa akin at mas masakit iyon. Natandaan kong sinabi ko sa kanyang masakit iyon. Natandaan ko na sa karamihan ng pagkakataong kasama ko siya, wala akong damit, at minsan pinagsusuot niya ako ng lingerie. At natatandaan ko ang mga litrato. Pagkatapos ng pang-aabuso, isasama niya akong bumili ng paborito kong snack na beef jerky. Kahit ngayon kapag kumakain ako ng beef jerky, nakakaramdam ako ng panic, guilt, at kahihiyan. Parang hindi ko kailanman matatakasan ang nangyari sa akin. Noong panahong iyon, ako ay nalilito at alam kong mali iyon at hindi ko iyon gusto, pero naisip ko rin na maling magsabi ng hindi maganda tungkol sa tiyo ko na sinabing mahal ako at binibili ako ng mga bagay na gusto ko. Pinapayagan din niya akong sumakay sa kanyang motorsiklo. Hinding-hindi na ako sasakay ng motorsiklo. Masyadong nakakabagabag ang mga alaala. Marami akong hindi matandaan, pero ngayon hindi ko makalimutan dahil nasa internet pa rin ang mga nakakadiring larawan ng ginawa niya sa akin. Matagal ko nang sinubukang alisin ang masasamang alaala sa aking isip. Napakasakit pa rin kapag iniisip ito. Minsan, natutulala na lang ako kapag naiisip ang nangyari at hindi ko napapansin ang aking paligid.
Sa araw-araw na buhay ko ako ay natatakot na baka may makakita ng mga litrato ko at makilala ako at mapapahiya ako ulit. Nasasaktan akong malamang may tumitingin ng mga ito -- sa akin -- noong isa lang akong batang babae na inaabuso para sa camera. Hindi ko ginustong makasama roon, pero ngayon kasama na ako sa mga litrato na ginagamit ng mga tao para gumawa ng masasamang bagay. Gusto kong burahin ang lahat ng iyon. Gusto kong matigil ang lahat ng iyon. Pero wala akong kakayahang maitigl iyon tulad ng kawalan ko ng kakayahang mapigilan ang aking tiyo. Noong una nilang malaman ang ginawa ng aking tiyo, sumailalim ako sa therapy at akala ko malalampasan ko ito. Nagkamali ako. Mas naging malinaw ang aking buong pag-unawa sa nangyari sa akin habang nagkakaedad ako. Mas malala na ngayon ang aking buhay at mga nararamdaman dahil hindi kailanman tumigil ang krimen at hindi talaga ito matitigil. Mahirap mailarawan kung ano ang pakiramdam ng malaman na sa anumang sandali, saanmang lugar, mayroong tumitingin ng mga litrato ko bilang isang batang babae na inaabuso ng kanyang tiyo at nakakakuha ng hindi magandang kasiyahan mula dito. Parang paulit-ulit akong inaabuso. Nahihirapan akong gawin ang mga simpleng bagay na madaling magawa ng ibang mga teenager. Wala akong lisensya sa pagmamaneho. Sa tuwing sasabihin kong gagawin ko ito, hindi ko nagagawa. Hindi ako makapagplano nang maayos. Nawawala ang isip ko kapag iniisip kong magpatuloy sa aking buhay. Sinusubukan kong makakuha ng trabaho, pero patuloy ko lang na iniiwasan ang mga bagay-bagay. Ang pinakamagandang nagagawa ako ay ang makalimot, magmula nang pilitin akong magkaroon ng dalawang pamumuhay bilang batang babae at “kalimutan” ang nangyayari sa akin. Bago ko ito maisip, napapalampas ko ang mga interview o iba pang mga bagay na makakatulong sa aking makakuha ng trabaho. Minsan, ipinapaalala sa akin ng mga bagay ang tungkol sa pang-aabuso at hindi ko ito naiisip hangga’t huli na ang lahat. Halimbawa, bumagsak ako sa anatomy noong high school. Hindi ko talaga maisip ang katawan dahil sa nangyari sa akin. Ganoon din ang nangyari noong nasa kolehiyo ako. Pumasok ako sa psychology class kung saan nanood kami ng video tungkol sa child abuse. Nang hindi alam kung bakit, hindi na ako pumasok sa klase. Bumagsak ako sa unang taon ko sa kolehiyo at umuwi na ako. Mas madali sa aking huwag pansinin ang mga nararamdaman ko at iwasan ang mga bagay na hindi ako magiging komportable. Hindi ko alam kung kailan ako magiging handang bumalik sa kolehiyo dahil malaki ang problema ko sa pag-iwas sa anumang bagay na hindi ako magiging komportable o magpapaalala sa akin ng pang-aabuso sa akin. Palagi akong natatakot na titingnan ako ng mga tao at sasabihing biktima ako ng sex abuse dahil alam ng publiko ang pang-aabuso sa akin. Nag-aalala ako na kapag nasa internet ang mga kaibigan ko, makikita nila ang aking mga litrato at dahil dito napupuno ako ng kahihiyan.
Ikinahihiya kong mayroon akong mga litratong gumagawa ng mga hindi magandang bagay kasama ng aking tiyo. Saanman ako magpunta, pakiramdam ko ako ay hinuhusgahan. Ako ba ang ganitong uri ng taong gumagawa nito? May problema ba sa akin? Mayroon bang nakakasuka at nakakadiri tungkol sa akin?
Nahihiya akong sabihin sa kahit sino ang nangyari sa akin dahil natatakot akong huhusgahan nila ako at sisisihin ako pa rito. Nakatira ako sa isang maliit na nayon at sa tingin ko kung alam ng isang tao, malalaman ng lahat. Namumuhay ako sa takot na balang-araw may makakakita ng masasamang litrato ko at pagkatapos ay ilalabas « ang sikreto » tungkol sa akin. Parang tumigil ang buhay ko noong araw na iyon at kasama kong tumigil ang oras na naghihintay. Alam kong kasama na ng panahon ang mga nakakadiring litrato ko at magpakailanmang makikita ng lahat.
Matagal akong nagkaroon ng mga bangungot. Magigising akong pinagpapawisan at umiiyak at pumupunta sa aking mga magulang para guminhawa. Nakakakuha pa rin ako ng mga flash ngayon kung minsan. Naiisip ko ang mga alaala ng mga bagay na ginawa sa akin ng aking tiyo. Bibilis ang tibok ng aking puso at pagpapawisan ako at pagkatapos ay may lilitaw na mas malinaw na litrato sa aking isip at kakailanganin kong umalis sa sitwasyong kinaroroonan ko. Naririnig ko ang boses ng aking tiyo sa aking isip na kinakausap pa rin ako at sinasabing, «huwag kang magsusumbong, huwag kang magsusumbong.» 'Mas pinapalala ito ng pag-iisip at pag-alam na ang mga litrato ng lahat ng ito ay nandyan pa rin. Parang hindi ako makakatakas sa pang-aabuso, ngayon o kailan pa man. Dahil nagkaroon ako ng napakaraming panaginip, nahihirapan akong matulog kapag madilim. Gusto kong nakabukas ang ilaw, iniisip na poprotektahan ako nito sa mga masamang panaginip. Ayoko ng mga nakakatakot na pelikula at minsan ilang araw akong binabangungot.
Minsan, natatakot ako nang hindi ko alam ang dahilan na pumipigil sa aking magawa ang mga normal na bagay na ginagawa ng ibang bata. Minsan, niyaya ako ng aking kaibigan na sumama sa kanya at sa kanyang tiyo sa isang amusement park. Hindi ko maalis sa aking isip na aabusuhin ako. Sa huli, hindi na lang ako sumama. Palagi kong naiisip kung nakita ba ng tiyo ng aking kaibigan ang mga litrato ko. Nakilala ba niya ako? Alam ba niya ang ginawa ko? Kaya ba inimbitahan niya akong sumama sa amusement park?
Napakahirap ng tiwala para sa akin at kadalasan ay hindi ako nagiging komportable sa mga tao. Umalis ako sa trabaho ko bilang waitress dahil may isang lalaki na akala ko ay palaging nakatingin sa akin. Hindi ko maiwasang isipin na kilala kaya niya ako? Nakita kaya niya ang mga litrato ko sa ibang lugar? Hindi talaga ako komportable na patuloy na magtrabaho roon. Nahihirapan akong “tumanggi” sa mga tao magmula nang malaman ko na sa murang edad ay wala talaga akong knotrol sa nangyayari sa akin. Sinusubukan kong mas maging mahusay dito dahil alam ko na ang hindi “pagtanggi” ay mas pinadadali sa isang tao na saktan ako ulit. Dahil sa pagsuhol sa akin ng aking tiyo para gumawa ng pakikipagtalik sa camera, nahihirapan akong tumanggap ng mga regalo mula sa kahit sino. Palagi kong nararamdamang may inaasahang kapalit ang mga tao sa akin kung bibigyan nila ako ng regalo. Dahil dito, mahirap ang aking mga kaugnayan sa mga kaibigan ko.
Masyado akong nalilito kung ano ang pag-ibig. Sinabi sa akin ng aking tiyo na mahal niya ako at gusto ko ang pagmamahal na iyon. Pero ngayon alam kong hindi pagmamahal ang ginawa niya sa akin. Pero paano ko masasabi sa hinaharpa na tunay na pag-ibig iyon o isa pang tao na sinusubukang samantalahin ako at gamitin ako?
Ang totoo, sinasamantala at ginagamit ako araw-araw at gabi-gabi sa ibang lugar sa mundo ng isang tao. Paano ko malalampasan ito kung hindi matatapos ang krimen na nangyayari sa akin? Paano ko malalampasan ito kung magpakailanmang nandyan ang nakakahiyang pang-aabuso na naranasan ko at nasisiyahan dito ang mga masamang tao?
Natatakot ako na posibleng maabuso ang ibang mga bata dahil sa mga litrato ko. Mayroon bang pagpapakita ng mga litrato ko sa ibang mga bata, tulad ng ginawa ng tiyo ko sa akin, pagkatapos ay sasabihin sa kanila kung ano ang gagawin? Makikita ba nila ako at iisiping ayos lang na gawin din nila iyon? May masamang tao ba na makakakita ng aking litrato at pagkatapos ay makakakuha ng ideya na gawin din ito sa ibang batang babae? Nalulungkot at natatakot ako dahil sa mga naiisip na ito.
Palagi kong sinisisi ang aking sairli dahil sa nangyari. Alam kong napakabata ko, pero hindi ako naging mas matalino? Bakit hindi ko pinigilan ang aking tiyo? Kung pinigilan ko siguro iyon, hindi magkakaroon ng napakaraming litrato ngayon na hindi ko na mababawi o mabubura. Pakiramdam ko na kailangan kong mabuhay nang kasama ito magpakailanman at kasalanan ko ang lahat.
Minsan, hinaharap ko ang aking mga nararamdaman sa pamamagitan ng pagsubok na kalimutan ang lahat sa pamamagitan ng sobrang pag-inom. Alam ko hindi ito mabuti, pero palaging nasa akin ang aking kahihiyan at galit at minsan kailangan ko lang ng paraan para mawala ang mga ito nang sandali.
Pakiramdam ko kailangan ko palaging magkaroon ng dalawang buhay. Una, kailangan kong magsinungaling tungkol sa ginagawa ng aking tiyon sa akin. Pagkatapos, kailangan kong kumilos na hindi parang hindi ito nangyari dahil masyado itong nakakahiya. Ngayon, palagi kong alam na mayroon isa pang «munting ako» na nakikita sa internet ng iba pang nang-aabuso. Hindi ko gustong mapanood, pero nandoon ako. Sana maibalik ko ang panahon at mapigilan ang aking tiyo sa pagkuha ng mga litratong iyon, pero hindi ko magagawa.
Kahit na natatakot ako na aabusuhin o sasaktan ako ulit dahil gumagawa ako ng pahayag tungkol sa epekto sa biktima na ito, gusto kong malaman ng hukuman at ng hukom ang tungkol sa akin at kung ano ang naranasan ko at ano ang buhay ko. Hindi nawala ang nangyari sa akin. Hinding-hindi ito mawawala. Ako ay isang tunay na biktima ng child pornography at naaapektuhan ako nito araw-araw at saanman ako pumunta.