Ang website na ito ay isang ligtas na espasyo para sa mga apektado. Walang personal na data ang iimbak o ipapasa sa isang third party. Nais naming mag-alok ng suporta sa mga taong apektado ng disposisyong ito, at bigyan sila ng mga paraan na makakatulong sa kanila na mamuhay kasama nito.
Ang mga sekswal na asal at lalo na ang mga sexual fantasy ay mahalagang pinagkukunan ng impormasyon kapag tinutukoy ang structure ng sexual preference. Mahalagang malaman ang kaibahan ng mga pantasya at pagkilos. Walang “mabuti” o “masamang” mga sexual fantasy, pero kung magiging mga pagkilos ang mga kagustuhang iyon na nakakaapekto sa ibang tao, ikaw ang magiging responsable para sa pagkilos na iyon. Gayunpaman, walang obligadong gumawa ng pagkilos sa kanyang mga sekswal na kagustuhan.
Pagiging eksperto sa sarili mong sexuality at sexual preference
Alamin at obserbahan ang iyong mga pantasya, ibahagi ang mga ito sa sarili mo, at pag-isipan mo ang mga ito. Pinakamalamang na malalaman mong walang pagkakataong mabago ang talagang nakaka-arouse na mga bahagi. Kapag na-arouse ka na ng isang bagay at nag-orgasm, ganoon din ang mangyayari nang paulit-ulit. Ikumpara ang iyong mga pantasya sa iyong sexual na pagkilos. Ang karamihan ng mga tao ay mayroong kahit ilang detalye sa kanilang mga pantasya, na hindi kailanman nagiging totoo o hindi kailanman naisasakatuparan. Ang pag-alam sa ating mga pantasya ay natutulungan tayong makontrol ang ating sekswal na asal.
Bakit mahalagang malaman ang mga sariling sexual fantasy at mga sekswal na asal?
Una, isipin mo ito, pagkatapos ay magpatuloy.
- Dagdagan ang nalalaman mo para maprotektahan sa mga hindi kanais-nais na sorpresa at bawasan ang mga pagkabalisa. Makakuha ng kaalaman sa pamamagitan ng competence at pagbibigay ng assurance sa sarili
Alamin kung sa aling mga kondisyon tumitindi ang kagustuhang isakatuparan ang mga sekswal na kagustuhan
Dagdagan ang seguridad pananagutan: “Maaari kong maimpluwensiyahan ang isang bagay na alam ko”