Illustration zum Thema Impulskontrolle.

Tulong sa sarili
Pagkontrol sa kagustuhan

Ang lahat ng tao ay impulsive sa iba’t ibang antas, pero ang ilan ay mas mahigit kaysa sa iba. Ang mga pangunahign feature ng impulsivity ay kawalan ng pasensya, mabilis at hindi naplanong mga reaksyon at nabawasang alalahanin para sa mga pangmatagalang kahihinatnan ng mga aksyon – na malinaw na ipinapahayag sa pamamagitan ng kasabihang “kumilos muna, saka na lang mag-isip.” Hindi palaging masama ang implusivity. Ang mga impulsive na tao ay madaling samantalahin ang mga hindi inaasahang pagkakataon, walang hirap na sasabihin ang kanilang mga naiisip at mabilis na aakma sa mga pagbabago. Ang mahalaga ay makahanap ng balanse. Ang pagkonrol sa kagustuhan ay pinipigilan ang impulsivity na mangibabaw sa ating mga aksyon. Ang mahinang pagkontrol sa kagustuhan ay nagiging problema kapag pakiramdam natin ay hindi natin mapapamahalaan ang ating mga pagkilos o makokontrol ang ating mga mood, na humahantong sa mga problema sa ting pamilya, mga kaibigan o sa trabaho. Ang mahinang pagkontrol sa kagustuhan ay maaari ring humantong sa mapanganib na pagkilos, tulad ng labis na pagsusugal o paggawa ng mga sexual offense. Ayon sa research, ang paedophilic na mga lalaki na may nakaraang mga sexual offense sa mga bata ay nagpapakita ng mahinang pagkontrol sa kagustuhan kumpara sa paedophilic na mga lalaki na walang nakaraang mga sexual offense sa mga bata. Mahalagang maunawaan kung kailan naaangkop at hindi naaangkop ang pagiging impulsive, at gamitin ang kaalaman na ito para gumawa ng mga tamang desisyon. Narito ang ilang tip at trick sa kung paano makokontrol ang iyong mga kagustuhan at labanan ang tukso:

Pag-iisip gamit ang mga ideya o konsepto

Tanungin ang sarili mo kung bakit hindi mo dapat isakatuparan ang isang kagustuhan (abstract) sa halip na kung paano mo maiiwasang isakatuparan ito (konkreto). Ipinakita ng research na ang pag-iisip gamit ang mga ideya o konsepto (pagtatanong ng bakit) tungkol sa ating mga layunin ay natutulungan tayong makontrol ang ating mga kagustuhan. Ito ay dahil kapag tinanong natin ang ating mga sarili kung bakit iniisip natin ang ating mga aksyon bilang isang bahagi ng malaking puzzle. Mas madalingmakapagpanatili ng pagtuon ang ating isip at inuugnay ang mga tukso sa negativity, dahil ang mga ito ay hindi bahagi ng pinakamahalaga.

Halimbawa: Dapat ba akong manood ng TV o maglakad?

Bakit ako kailangang maglakad?

  • Madalas akong ma-stress. Nakaka-refresh at nakaka-relax ang open air. Matagal ko nang iniisip na magkaroon ng mas malusog na pamumuhay. Talagang mabuti sa aking kalusugan ang paglalakad. Gusto kong mapalaki o mapatibay ang aking social network. Kapag nasa labas ako, maaari kong makita ang ilang kaibigan o kakilala, o pwede rin akong makakila ng mga bagong tao.

Kung manood na lang kaya ako ng TV? Hindi! Wala itong maidudulot na maganda sa akin.

At ang pagtatanong ng paano?

Paano ako hindi manonood ng TV?

  • Kakailanganin ko ng maraming will power. 
  • Parang marami itong pagkakait.

Maglakad na lang kaya? Kailangan ba talaga ito?

Kapag nagtatanong tayo ng bakit nakikita natin na ang kagandahan ng paglalakad at ang hindi kagandahan ng panonood ng TV. Kapag nagtatanong tayo ng paano kabaliktaran ito.

Mga Reward

Kapag inuugnay natin ang ating mga matagal nang pinapangarap sa mga regular na reward, mas madaling labanan ang tukso. Para makamit ang ating matagal nang pangarap na mapayapa at may paggalang na buhay, mas madali tayong mananatili sa tamang landas sa pamamagitan ng pagbibigay ng reward sa ating mga sarili sa tuwing nalalabanan natin ang mga kagustuhan, tulad ng panonood ng materyal na tungkol sa child abuse. Subukan mong isipin kung ano ang rewaring para sa iyo – isang piraso ng chocolate o pagpunta sa sinehan?

Harapin ang iyong stress level

Kapag na-i-stress tayo, mas madalas sumusuko tayo sa tukso. Iyo ay dahil kapag na-i-stress tayo, tayo at lalo na ang reward system ng ating utak ay naghahanap ng rewarding stimuli, na kadalasang nagagamit nang nakakasama sa mga pangmatagalang layunin. Ang pagtingin sa katawan ay maaaring mahalagang gamit para ma-relax ang iyong sarili kapag ikaw ay na-i-stress. Kung hindi ka pa pamilyar sa gawi na ito, pumunta sa Magpahinga para alamin pa.

Bumalik sa pangkalahatang-ideya

Selbsttest

 

Your online Session

Illustration von zwei Sprechblasen.