Illustration zum Thema die rosarote Brille.

Tulong sa sarili
Positibong pananaw sa isang bagay

Positibong pananaw sa isang bagay bilang halimbawa para sa mental bias

Kunwari ikaw ay in love sa isang tao. Sa espesyal na yugtong ito, maaari mong maunawaan ang mundo nang may labis na positibong pananaw, o sa pamamagitan ng “rose-tinted glasses.” Ang lahat ng paggalaw at pagtingin mula sa gustong bagay ay binibigyang-kahulugan bilang interesado, sinasadya at kinumpirma bagaman ang isang tao na walang suot na “mga salamin” na ito ay maaaring masuri nang ganap na iba ang mga parehong aksyon. Mahalagang malaman ito, at “alisin” ang mga sirang salamin na iyon para makakuha ulit ng malinaw at walang kinikilingang pananaw. Tungkol sa sexual assault, ang mga mental bias ay maaaring magdulot sa isang tao na ilipat ang responsibilidad sa biktima mula sa offender. Kung mayroong sekswal na mang-aabuso sa isang bata, ang mga mental bias na iyon ay palaging magkaka-epekto bago, sa panahon ng at pagkatapos mangyari ang assault. Ang mga pagbibigay ng katwirang ito ay maaaring magpatuloy gaya ng sumusunod: “Gustong maranasan ng bata ang kanyang sexuality gaya ng ginagawa ng mga nasa hustong gulang,” “Kung hindi lalaban ang bata, gusto niya ito,” at “Huli na ito.” Kung hindi ka magtatagumpay na malaman at mabago ang mga mental bias na iyon, malalagay ka sa panganib na magawa ulit ang sexual assault.

Paano mo ma-a-adjust ang iyong rose-tinted glasses?

Isipin mo ang isang sitwasyon kung saan ikaw ay nasa mataas na panganib na gumawa ng assault o kung saan ikaw ay nakagawa na ng sexual assault. Pagkatapos, gamitin ang sumusunod na outline para masuri ang sarili mo:

Ipakita ang mental bias 

Ano ang iniisip mo? 

Ano ang eksaktong iniisip mo sa sitwasyon? 

Ano ang sinabi mo sa sarili mo sa sitwasyon?

Pagkuwestyon sa mental bias 

Logical ba ang naisip mo? 

Batay ba sa mga katotohanan ang iyong naisip? 

May mga katunayan ba para sa pagiging tama ng iyong naisip? 

Nakatulong ba ang naisip? 

Ano ang benepisyo ng pag-iisip sa ganoong paraan? 

Ano ang disadvantage?

Pagbuo ng naaangkop na functional na naiisip 

Bilang pagbabalik-tanaw, sa tingin mo ano kaya ang isa pang posibleng naisip sa sitwasyon? 

Sa tingin mo ano ang iniisip ng isang kaibigan sa sitwasyong iyon? 

Aling interpretasyon ng sitwasyon ang mukhang mas makatotohanan? 

Ano ang masasabi mo sa iyong sarili sa halip kung malalagay ka ulit sa parehong sitwasyon?

Pagsasanay ng mga functional na naiisip 

Ipaalam sa sarili mo ang mga benepisyo ng functional na pag-iisip. 

Isulat ang iyong functional na naiisip sa isang index card. 

Ulit-ulitin sa sarili mo ang functional na naisip. 

Isipin mo kung paano mo papaalalahanan ang sarili mo sa functional na naiisip na ito sa susunod na ikaw ay malagay sa sitwasyon na mataas ang panganib.

 

Bumalik sa pangkalahatang-ideya

Selbsttest

 

Your online Session

Illustration von zwei Sprechblasen.