Ang website na ito ay isang ligtas na espasyo para sa mga apektado. Walang personal na data ang iimbak o ipapasa sa isang third party. Nais naming mag-alok ng suporta sa mga taong apektado ng disposisyong ito, at bigyan sila ng mga paraan na makakatulong sa kanila na mamuhay kasama nito.
Tumigil, huminga at makinig – hindi lang ito mukhang madali, madali rin itong matutunan.
ang na-research mabuti na pamamaraan para mag-relax, kumalma at masuri ang ating mga sarili ay pagtingin sa katawan. Ang pagtingin sa katawan ay parang isang journey sa katawan. Ini-explore natin ang katawan sa pamamagitan ng paglipat ng ating kamalayan sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Sa pamamagitan ng sinasadyang pagtingin sa bawat bahagi, nauunawaan natin nang hindi hinuhusgahan ang mga sarili nating naiisip, emosyon at mga nararamdaman sa katawan. Sa ilang pagsasanay, tinutulungan tayo ng pagtingin sa katawan na manatili lang sa maganda at hindi magandang nararamdaman, naiisip o mga emosyon nang hindi ito nilalabanan o sumusuko rito. Sa parehong pagkakataon, pinahuhusay ng pagtingin sa katawan ang kakayahang maituon ang ating pansin sa kasalukuyang sandali nang hindi nagagambala ng mga naiisip tungkol sa nakaraan o sa hinaharap. Hindi ba magagandang dahilan ito para humiga at mag-relax? Sa simula, maaaring maging masyadong demanding ang pagtingin sa katawan dahil minsan marami tayong iniisip. Sa ilang pagsasanay, magiging mas madali ito kaya huwag kang mag-alala! Sundan ang link para simulan ang iyong may gabay na pagtingin sa katawan:
https://palousemindfulness.com/meditations/bodyscan20min.html