Ang website na ito ay isang ligtas na espasyo para sa mga apektado. Walang personal na data ang iimbak o ipapasa sa isang third party. Nais naming mag-alok ng suporta sa mga taong apektado ng disposisyong ito, at bigyan sila ng mga paraan na makakatulong sa kanila na mamuhay kasama nito.
Privacy Policy
Kami, ang Charité - Universitätsmedizin Berlin (PROVIDER; para sa iba pang detalye tingnan ang nakasaad) seryosong pinoproteksiyonan ang iyong personal na impormasiyon at mahigpit na sumusunod sa aluntuntunin ng batas na tumutukoy sa proteksiyon ng personal na impormasiyon. Ang personal na impormasiyon sa website na ito ay para lamang sa pangmalawakang paggamit ng teknikal na kinakailangan. Sa anumang pagkakataon, ang mga nakalap na datos ay hindi ibebenta o kung hindi man ay ibinibigay sa mga ikatlong partido. Binibigyan din namin nang obligasiyon ang lahat ng aming panlabas na tagapagbigay ng serbisyo na sumunod sa parehong mga alintuntunin.
Pakatandaan na ang anumang anyo ng datos na ipinaparating sa internet (halimbawa, pakikipag-usap gamit ang e-mail) ay maaaring maging bulnerable sa panghihimasok. Para sa teknikal na rason, ang kumpletong proteksiyon ng impormasiyon pa tungkol sa pag-access ng hindi awtorisadong ikatlong partido ay hindi imposible. Ginagawa namin ang aming makakaya para protektahan ang iyong impormasiyon sa abot ng aming makakaya. Mas maging maalam, kung paano proteksiyonan ang iyong personal na impormasiyon dito.
Ang mga sumusunod na pahayag ay ipinapaliwanag kung paano namin pinoproteksiyonan ang iyong impormasiyon at ano ang mga kinokolekta namin na impormasiyon at kung para saan ito.
Personal na Impormasyon
Ang Personal na Impormasyon ay bawat uring impormasiyon na maaaring maiugnay sa personal at materyal na pagkakataon ng isang tiyak o natutukoy na indibidwal. Ito ay ang mga impormasyon katulad ng iyong pangalan, tirahan, postal address, numero ng telepono. Ang impormasyon na hindi kaugnay sa iyong pagkakakilanlan (katulad ng bilang nang indibidwal na gumagamit ng website na ito) ay hindi kasama. Sa mga ibang pagkakataon, ang natatanging kombinasyon ng hindi personal na impormasyon ay maaring maiugnay sa iyong pagkakakinlanlan. Pakitandaan iyon kapag nagbibigay ng hindi personal na pagkakakilanlan na impormasyon!
Sa pangkalahatan, maari mong gamitin ang aming online na serbisyo na hindi makikita ang iyong pagkakakinlanlan.
Pagproseso ng Impormasyon sa Website na ito
Ang PROVIDER ay hindi nag-save ng mga Server Log Files, halimbawa mga impormasyon na ipinadala gamit ang iyong browser. Sa pagamit ng program, ang anonymized data ay nabubuo at nakokolekta. Ang datos na ito ang ginagamit sa teknikal na functionality ng programa, ang self-test feedback function ng programa, ang paggamit at ang siyentipikong pagsusuri ng chat-study, ang quality control, ang pagpapalawak ng programa (online/offline), ang estadistikang pagsusuri at siyentipikong pag-aaral. Walang kinakalap na personal na impormasyon para sa layuning ito.
Patungkol sa nilalaman ng management of Troubled Desire, ginagamit namin ang Web-CMS TYPO3. Ang mga sumusunod ay ang mga uri ng pages na ginagamit: Home Page, simpleng pahina na maykasamang teksto, larawan, bidyo at audio at online survey (self-test), ang survey form para sa user feedback, chat at message function bilang bahagi ng log-in protected area.
Kung ang gumagamit ay nag-umpisa ng bagong sesyon, self-test o chat-application ito ay nakaimbak sa randomly generated cryptic ID. Ang ID ay pinapakita sa gumagamit habang ito ay nagba-browse sa log-in-protected area. Sa ID lamang na ito tangging makakakuha ang gumagamit ng access para makapasok muli sa data. Sa bawat cryptic ID, ang karagdagang sagot na ibinigay sa tanong ng online surveys, ang mga mensahe at chat-logs sa chat-study, ang mga sumusunod na datos ang iniimbak: progress ng online surveys, ang petsa at oras ng unang pag-access ng online survey at petsa at oras ng huling pag-access ng online survey.
Mangyaring magkaroon ng kamalayan na ang iyong mga sagot sa mga online na sesyon ay maaaring naglalaman ng personal na pagkakakilanlang impormasyon. Batay sa iyong impormasyon na ibinigay (partikular sa open-ended question), at sa chat at message windows habang nakikibahagi sa chat-study, ang iyong sagot ay maging sapat sa online sessions upang ang iyong personal na impormasyon ang makilala. Maari mo itong maiwasan sa pamamagitan ng hindi paglagay ng pangalan, petsa, mga tiyak o may katotohanang impormasyon o mga personal na pagkakakilanlang impormasyon. Hindi mo kinakailangan na magbigay ng impormasyong pagkakakinlanlan upang makibahagi sa self-test, surveys o chat-study. Ang hindi pagbigay ng iyong personal na impormasyong pagkakakinlanlan ay hindi maapektuhan ang kalidad ng iyong karanasan bilang taga gamit.
Legal na batayan sa pagproseso ng impormasyon
Ang legal na batayan sa pagproseso ng impormasyon (halimbawa, mga IP address) ay Artikulo 6, § 1, P.1 lit. f. ng GDPR. Ito ay nakalapat kapag ang website ay ginagamit para lamang sa impormatibong pangangailangan na hindi kinakailangang gamitin ang mga online session, self-test, surveys o pakikilahok sa chat-study. Ang Artikulo 6, § 1, P.1 lit. b. ng GDPR ay nalalapat kapag ang mga online session, self-test, survey o chat-study ay ginagamit, halimbawa, kapag may mga tanong na sinasagot o mga sariling impormasyon na ibinabahagi.
Ang legal na batayan para sa pagproseso ng mga datos ng survey (mga online session, self-test, survey, chat-study) ay ang Artikulo 9, § 2, lit. h. ng GDPR kasama ng Artikulo 6, § 1, lit. b. ng GDPR, § 22 Seksyon 1 Blg. 1 lit. b ng BDSG para sa teknikal na pag-andar ng programa, halimbawa ang nilalaman ng function ng feedback, at Artikulo 6, § 1, lit. f. ng GDPR at § 27 Seksyon 1 ng BDSG para sa estadistikal/pananaliksik na pagsusuri ng mga datos na ibinahagi sa mga online session, survey at mga mensahe at chat-windows habang nakikibahagi sa chat-study.
Ang legal na batayan para sa pagtukoy ng bansa/rehiyon ng pag-access sa pamamagitan ng GeoIP ay ang Artikulo 6, § 1, lit. f. ng GDPR at § 27 Seksyon 1 Blg. 1 ng BDSG para sa estadistika/pananaliksik na pagsusuri ng nakolektang datos, halimbawa bilang paraan upang matukoy ang pang-rehiyong pangangailangan para sa paggamot, ang bisa at kalidad ng mga serbisyo. Ang wastong interes ng PROVIDER na mangolekta ng datos ay nakalista sa itaas bilang layunin para sa pagproseso ng impormasyon. Hindi kailanman gagamitin ng PROVIDER ng nakolektang datos para sa layuning gumawa ng mga konklusyon ukol sa iyong pagkatao. Para sa PROVIDER, walang paraan upang ikonekta ang data sa sinumang partikular na user o natural na tao. Para sa PROVIDER, walang paraan upang ikonekta ang data sa sinumang partikular na user o natural na tao.
Tanging ang mga awtorisadong miyembro ng staff ng Institute of Sexology and Sexual Medicine sa Charité-Universitätsmedizin Berlin, at visuellverstehen GmbH (Nordergraben 70, 24937 Flensburg, Germany, www.visuellverstehen.de) ang may access sa mga datos na nakolekta sa pamamagitan ng Web-CMS TYPO3. Tanging ang mga awtorisadong miyembro ng visuellverstehen GmbH at Charité – Universitätsmedizin Berlin ang may access sa webserver, kabilang ang database.
Ang mga anonymized na datos ay ibabahagi sa mga sumusunod na kasosyo ng STOP-CSAM: Technische Universität Berlin (Alemanya) Universitat Internacional de Catalunya (Espanya) Universidade de Trás-os-Montes e Alto Douro (Portugal) Národní ústav duševního zdraví (Republika Czech).
Cookies
Ang teknikal na kinakailangang cookies ay ginagamit sa loob ng mga website ng TD. Nagsisilbi sila upang gawing mas user-friendly, epektibo at secure ang banner ng impormasyon na lumalabas kapag ina-access ang website at ang mga lugar na protektado ng pag-login. Ang mga cookies ay maliliit na dataset na naka-save sa iyong computer at iniimbak ng iyong browser. Ang lahat ng cookies ay ginagamit namin ay ang "session cookies" at awtomatikong tatanggalin pagkatapos ng iyong pagbisita o pagkatapos isara ang browser. Ang cookies ay hindi nakakapinsala sa iyong computer at hindi naglalaman ng mga virus.
Estatistika / Matomo Analytics
Ang website na ito ay gumagamit ng Matomo Analytics (www.matomo.org), isang open-source na software. Ito ay ginagamit upang masuri sa istatistika ang mga pagbisita sa site at paggamit ng site. Ang Matomo Analytics ay isinama at naka-host sa parehong server bilang Troubled Desire. Ang sumusunod na data ay sine-save: bansa ng pag-access sa website batay sa IP address (ang IP address ay hindi nai-save), oras at tagal ng pag-access sa website, ang mga partikular na site na binisita sa loob ng domain ng Troubled Desire, ang uri ng device, operating system at browser na ginagamit, browser plug-in, browser language, download, referrer URL (ang website, kung mayroon man, na nag-link sa user sa Troubled Desire). Binibigyang-daan ng Matomo Analytics ang pagsusuri ng paggamit ng website na may tinatawag na “cookie-less tracking”, Walang mga cookie-type na dataset ang naka-save sa iyong personal na dvice. Ang nakolektang impormasyon na nabuo sa pamamagitan ng iyong paggamit ng aming serbisyo ay naka-save sa mga server ng provider sa Germany. Ang iyong IP address ay pinoproseso habang nasa website at hindi sini-save sa kabila ng iyong session.
Ang legal na batayan para sa pag-iimbak ng data ng Matomo analytics ay Artikulo 6, § 1, lit. f. GDPR. Ang provider ay may wastong interes sa isang hindi kilalang pagsusuri ng paggamit ng website bilang isang paraan upang mapabuti at ma-optimize ang website para sa mga user nito. Ang impormasyong nabuo ay hindi ibubunyag sa anumang mga ikatlong partido.
Ang iyong karapatan sa impormasyon, pagwawasto,pagtatanggal, at paghainn ng reklamo
Sa anumang oras, ikaw ay may karapatan humingi ng impormasyon pa tungkol sa datos na naimbak o na save patungkol sa iyo, humiling ng pagtama o pagwawasto, pagtatanggal o paghihigpit sa aming paggamit ng iyong datos at mga paggamit namin ng iyong datos. Kung ikaw ay tumututol sa paggamit namin ng iyong datos, ititigil namin ang paggamit nito. Hindi kasama ang mga kasong may compelling legitimate grounds na mas nangingibabaw kaysa sa iyong personal na interest.
Ikaw, sa anumang oras, ay may karapatan magsampa ng reklamo sa responsableng ahensyan kung sa iyong opinyon, ang aming pagtrato ng iyong datos ay lumalabag sa batas tungkol sa proteksiyon ng datos.
Ang pinakamabilis na paraan para matanggal ang iyong datos ay sa pamamagitan data deletion function na available sa iba't ibang lugar.
Para maipaglaban ang iyong karapatan mangyaring makipag-ugnayan sa
Institute for Sexology and Sexual Medicine
Charité - Universitätsmedizin Berlin
represented by Prof. Dr. Dr. Klaus M. Beier: sexualmedizin@charite.de
The responsible regulatory agency, according to Article 8 §1 BlnDSG, is:
Berlin Commissioner for Data Protection and Freedom of Information
Alt-Moabit 59-61
10555 Berlin
Telefon: +49 30 13889-0
Fax: +49 30 2155050
E-Mail: mailbox@datenschutz-berlin.de
www.datenschutz-berlin.de
Ang mga listahan ng mga regular na ahensya (for the non-public sector) incl. addresses can be found at:
https://www.bfdi.bund.de/DE/Infothek/Anschriften_Links/anschriften_links-node.html.
Pribadong Impormasyon ng mga Menor de Edad
Kami ay hindi humihingi ng personal na impormasyong pagkakakinlanlan ng mga bata edad 14 pababa, hindi kinokolekta at inilalabas sa ikatlong partido. Para sa mga teenagers na edad 14 pataas, ang naangkop na karapatan ay ang Privacy Policy.
Mga Links sa ibang Sites
Ang aming serbisyo ay maaring may nilalaman na links sa ibang website. Panuto na ang external sites ay hindi namin pinapatakbo. Kung hindi mo pinindot ang links sa ibang websites, walang datos na makokolekta ang pangatlong partido. Kami ay walang kontrol at hindi mananagot sa mga nilalaman, pribadong polisiya o gawain ng ikatlong partido.
Mga Pagbabago sa Polisiyang pa tungkol sa Privacy
Ang Teknolohikal na pagunlad o pagbabago ng legal na sitwasyon ay maaring magkaroon nang pagbabago sa Privacy Policy. Naglalaan kami ng karapatang i-update ang aming Privacy Policy sa anumang oras alinsunod sa data protection regulations. Kaya't pinapayuhan namin na suriin ang page periodically para magkaroon ng kaalaman sa posibleng pagbabago.
Ang Responsable sa pangangalap at paggamit ng datos
Charité - Universitätsmedizin Berlin
CC01 - Centrum für Human- und Gesundheitswissenschaften
Institut für Sexualwissenschaft und Sexualmedizin
Luisenstraße 57
10117 Berlin
t: +49 30 450 529 302
sexualmedizin@charite.de
Makipag-ugnayan sa aming opisyal na awtorisadong Data Protection Manager:
Charité Universitätsmedizin Berlin
Stabsstelle Datenschutz
Campus Charité Mitte
Charitéplatz 1
10117 Berlin
Further Information
Lubos naming pinapahalagahan ang iyong tiwala. Kaya't kami ay nagsusumikap na sagutin ang anumang tanong na iyong gustong ibahagi pa tungkol sa pag proseso ng iyong personal na datos. Kung mayroon ka pang tanong na hindi pa nasasagot pagkatapos basahin ang Privacy Policy o kung may kailangang detalya sa partikular na isyu, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin sa info@troubled-desire.com.
Huling pagbabago: October 13th, 2023
Maligayang pag dating sa self-test na may kasamang feedback pa tungkol sa sexual preference and problematic behaviour.
Sa bawat oras na mag-uumpisa ang bagong sesyon, makatatanggap ka ng sesyon ID. Mangyaring isulat ang iyong sesyon ID sakaling nais mong gamitin ang access data o magpatuloy sa susunod na oras. Ang password ay hindi kinakailangan. Kung sakaling nawala ang iyong ID, hindi mo na maaring ma-log-in o mabuksan ito. Sa pagkakataong ito, maari mong ulitin ang sesyon.