Ang website na ito ay isang ligtas na espasyo para sa mga apektado. Walang personal na data ang iimbak o ipapasa sa isang third party. Nais naming mag-alok ng suporta sa mga taong apektado ng disposisyong ito, at bigyan sila ng mga paraan na makakatulong sa kanila na mamuhay kasama nito.
Ang mga sekswal na aktibidad ay karaniwang mauuri sa tatlong anyo ng sekswal na aksyon: mga interaksyon sa ari, mga interaksyon na hindi sa ari at pag-masturbate. Kasama rito ang pag-uusap ng tungkol sa pakikipagtalik, patingin sa mga larawan para ma-arouse at paghipo o pag-stimulate ng sarili mong katawan o ng katawan ng ibang tao para sa sekswal na kasiyahan. Ang lahat ng pagkilos na nauudyukan sa sekswal na paraan ay maaaring ituring na mga sekswal na asal. Ang isang pagkilos ay nauudyukan ng sekswal na paraan kapag layunin nitong dagdagan ang sexual arousal, magdulot ng kasiyahan o maghanda para sa sekswal na aktibidad.
Ang pagkilos na may problema ay tinutukoy bilang “sekswal na pagpapahayag ng kabiguang sumunod sa mga kinaugalian,” ang kabiguan man na iyon ay inusig o sumasailalim pag-uusig. Kasama rito ang pagbalewala sa mga karaniwang tinatanggap na interes ng isang partner. Mas partikular, ang sekswal na asal ay itinuturing na may problema kung nilalabag nito ang integridad at autonomy ng isa pang indibiduwal o kung kasama rito‑ ang mga indibiduwal na hindi pumapayag. Ang ganitong mga uri ng asal ay may posibilidad na hindi lang makasama ngunit mayroon ding mga kaugnay na pananagutan sa batas. Ang isang indibiduwal ay maaaring‑ hindi pumapayag dahil hindi siya nagbigay o hindi posibleng magbigay ng pahintulot para sa isang sekswal na aktibidad, alinman sa dahil wala siyang kaalaman o dahil siya ay wala pa sa hustong gulang. Halimbawa, ang palihim na pagkakabit ng webcam sa kuwarto ng isang babae para panoorin siya habang siya ay lumalahok sa sekswal na kontak sa isang partner o nagma-masturbate ay nagpapakita na hindi posibleng magbigay ng pahintulot nang nalalaman ang mga posibleng kahinatnan, dahil hindi alam ng “partner” ang mga nangyayari at kaya hindi siya makakapagbigay ng pahintulot.
Sa pangkalahatan, ang mga nasa hustong gulang ay magkatumbas na mga sekswal na partner basta’t ang kanilang pisikal, pangkaisipan at pangkabuhayang sitwasyon ay pinapayagan silang gumawa ng sarili, malaya at walang limitasyong desisyon na lumahok sa isang sekswal na interaksyon. Binigyang-diin ng bagay na tungkol sa edad na pwedeng magbigay ng pahintulot ang kaibahan sa pagitan ng “simpleng pahintulot” at ng pahintulot na sinasabi ang mga posibleng kahihinatnan. Maaaring mangyari ang “simpleng pahintulot” kapag ang bata ay mukhang pumapayag na magbigay ng pahintulot o mukhang cooperative. Ang pagbibigay ng pahintulot na nalalaman ang mga posibleng kahihinatnan ay tumutukoy sa kawalan ng kakayahan ng pag-iisio o immaturity ng bata para maunawaan nang malinaw at kaya pumapayag na lumahok sa mga sekswal na aktibidad. Hindi posibleng maging katumbas na sekswal na partner ang menor de edad dahil hindi niya ganap na nauunawaan ang content, pagganap at mga kahihinatnan ng mga sekswal na asal.
Ang bawat‑ sekswal na asal na walang pahintulot ay itinituring na direktang sexual assault. Ang bawat pagpapakita ng‑ sekswal na asal na walang pahintulot ay itinituring na hindi direktang sexual assault.
Bukod sa mga pamantayan lang ng batas, mahalagang masuri ang iyong hiwalay na konsepto ng kung ano ang bumubuo sa mga may problemang sekswal na asal sa mga bata. Dagdag pa rito, posibleng makatulong na pag-isipan kung sino ang gumagawa ng mga sexual assault sa mga menor de edad – ito ay maaaring mga lalaki o mga babae na maraming pinagmulan at grupo ng mga edad. Maraming nakakapag-udyok ng mga sexual assault sa mga menor de edad, tulad ng bilang pamalit sa sekswal na kontak sa nasa hustong gulang na partner na nagbibigay ng pahintulot, kapansanan sa isip, mga problema sa sexual development o paedophilic o hebephilic na sexual preference.
Tandaan na hindi kailanman pumapayag ang mga bata sa anumang sitwasyon na lumahok sa anumang sekswal na aktibidad kasama ng isang nasa hustong gulang.
Kung walang pahintulot, nagiging sexual assault ang isang pagkilos. Pwede itong mangyari kung
- ang isa pang tao ay hindi maibibigay ang kanyang pahintulot dahil hindi niya alam ang tungkol sa content, pagsasagawa at mga kahihinatnan ng sekswal na aktibidad o hindi niya maunawaan ang mga ito.
- malinaw na hindi pumapayag ang isa pang tao
Mga sekswal na aktibidad na kinabibilangan ng mga bata
Kasama sa mga may problemang sekswal na asal sa mga bata sa isang body scheme ng prepubescent o nagdadalaga o nagbibinata pa lang (pero hindi limitado sa) mga sumusunod na sekswal na aktibidad:
- Mga obserbasyon na naudyukan ng sekswal na paraan sa mga intimate na sitwasyon, na kilala bilang voyeuristic na mga aktibidad.
- Nauudyukan sa sekswal na paraan sa paghipo o paghawak sa labas na bahagi ng ari, may damit man o wala.
- Paggamit ng mga larawan ng sexual abuse sa bata para sa sariling sexual stimulation at/o paggawa o pamamahagi ng mga ito.
- Sekswal na pag-groom ng mga bata sa internet (mga chat room, atbp.) o sa mga sitwasyon na may direktang pakikipag-ugnayan.
- Pag-expose ng mga ari habang nagma-masturbate o hindi, kilala bilang mga exhibitionistic na aktibidad.
- Paghiling sa bata na tumanggap ng sexual stimulation.
- Paghiling sa bata na sekswal siyang i-stimulate.
- Pagsasagawa ng sexual manipulation at stimulation ng isang bata.
- Pagpasok ng ari ng lalaki, dila, daliri o bagay sa bibig, ari o puwit ng batang babae.
- Ang paggawa ng mga larawan ng sexual abuse sa bata, na may alinman sa mga sekswal na aktibidad na binanggit sa itaas na kinabibilangan ng o na nasa harap ng mga bata.
- Pag-uusap ng mga sekswal na paksa para ma-arouse sa sekswal na paraan habang kasama ang isang bata.
- Pagpapakita ng mga paglalarawan ng pornographic content para ma-arouse sa sekswal na paraan habang kasama ang isang bata. Ang pagma-masturbate para sa mga sexual fantasy tungkol sa mga bata ay hindi may problemang sekswal na asal. Gayunpaman, ang sekswal na kasalanan sa isang bata ay bumubuo ng may problemang sekswal na asal at nangyayari ito bilang direktang resulta ng alam na desisyon na ginawa ng isang nasa hustong gulang.
Ang paggamit ng mga larawan ng sexual abuse sa bata (child pornography)
Ang mga larawan ng sexual abuse sa bata na ginagamit para sa sexual stimulation ay inuuri nang ayon sa mga kategorya ng tindi. Walang “ligtas na kategorya.” Bagaman maaaring makagawa ng larawan sa ilalim ng mga hindi mapang-abusong kondisyon, ang ipinapakitang bata ay hindi nakakapagbigay ng pahintulot para gamitin ang kanyang larawan para sa layunin ng sexual arousal. Ang indibiduwal na pipiliing tingnan ang larawan ay responsable para sa kanyang mga sariling aksyon at para sa mga kahihinatnan sa ipinapakitang bata:
Mga nagpapahiwatig na mukha ng mga bata o mga batang ipinapakita sa hindi erotic na paraan may damit man o nakasuot ng salawal, mga swimsuit, atbp. (mga larawan mula sa mga commercial source, mga album ng pamilya, atbp.)
Mga nakahubad na bata sa mga swimming area, medikal na setting o nang-aakit na pagpapakita ng bahagyang may damit na mga bata na nakasuot ng salawal, mga swimsuit, transparent na damit, atbp.
Nudist – hubad o bahagyang hubad na mga bata (mga larawan mula sa mga lehitimong source)
Erotica – mga bata na nakasuot ng salawal o iba’t ibang antas ng paghuhubad (palihim na kinunan ng mga litrato)
Pagpo-pose – mga batang naka-pose nang may damit, bahagyang nakadamit o ganap na nakahubad
Erotic na Pag-pose
Mga batangnasa sekswal o nang-aakit na mga pose
Malinaw na Erotic na Pag-pose na Nagpapakita ng mga naka-pose na bata na binibigyang-diin ang ari at/o puwit na bahagi
Malinaw na Mga Sekswal na Aktibidad
Mga sekswalna aktibidad sa mga bata na hindi kinabibilangan ng nasa hustong gulang, tulad ng paghipo, sabay o mag-isang pagma-masturbate o oral/anal/vaginal na penetrative na pakikipagtalik.
Sexual Assault
Kabilang ang mga bata sa mga sekswal na aktibidad kasama ng isang nasa hustong gulang, na kinabibilangan ng direktang kontak tulad ng paghipo, sabay o mag-isang pagma-masturbate o oral/anal/vaginal penetrative na pakikipagtalik
Pagkasadista at Bestiality
Bonday, panggagahasa, gang-bang o pisikal na pinsala na ginagawa sa mga bata, tulad ng pagtali, pagbugbog, paghagupit, atbp. o mga bata na kasali sa ilang anyo ng sekswal na asal sa hayop
Maraming iba’t ibang sekswal na aktibidad na pwedeng salihan nang napagkasunduan pareho ng mga pumapayag na nasa hustong gulang. Mahalagang maunawaan at matandaan na ang mga sekswal na aktibidad na pinaka-nakakawili ay kapag pumapayag ang mga partner sa ginagawa nila at walang nagagawang pinsala.