Illustration zum Thema die Entstehung sexueller Vorlieben.

Tulong sa sarili
Pagsisimula ng mga sexual attraction

Ayon sa kasalukuyang kaalaman mula sa mga karanasan at mula sa mga eksperto, walang katunayan ng etiological theory para sa pagbuo ng sexual prefence. Matutulungan lang tayo ng multidimensional na pamamaraan para maunawaan ang mga posibleng dahilan kung bakit nagkakaroon ang isang indibiduwal ng partikular na sexual preference. Kaya, dapat nating isaalang-alang ang biological, psychological, at social na mga salik at ang kanilang interaksyon sa isa’t isa. Kabilang sa mga biological factor ang, ngunit hindi limitado sa epekto sa genes, maagang pagkapanganak, ang pagpili ng paggamit ng kanan o kaliwang kamay, at mga neurological structure. Ang mga psychological factor ay tumutukoy sa mga katangian na tulad ng ugali, pagkabalisa, kumpiyansa sa sarili, immaturity, o mga gawi tulad ng mga coping mechanism. Kabilang sa mga social factor bukod sa iba pang mga bagay ang mga natatanging karanasan sa pagkabata, maling pagtrato, mga interaksyon sa mga katulad, social class, at edukasyon. Sinasabi ng mga klinikal na karanasan at data ayon sa karanasan na ang sexual preference sa edad at kasarian ay nakikita sa murang edad bilang bahagi ng sexual development, at nananatiling hindi nagbabago sa buong buhay ng isang tao ang mahahalagang feature. Hindi pinipili ang sexual preference. Ito ay magkakahiwalay tulad ng fingerprint; ang bawa’t isa ay natatangin pero walang mas maganda o mas pangit kaysa sa iba. Gayunpaman, ang indibiduwal na kahulugang ibinibigay natin sa pagkakaroon ng partikular na sexual preference o iba pa ay ibang usapan. Ang pananaw na ito ay tinutukoy ng ating socicultural background, kasaysayan, relihiyon, mga natatanging karanasan sa buhay, atbp. Bilang buod, hindi pa natin alam kung bakit nagpapakita ang mga tao ng partikular na sexual preference kaysa sa iba. Gayunpaman, habang hindi tayo responsable sa pagpapasya ng ating sexual preference, tayo pa rin ang responsable sa ating pagkilos.

Ang masamang balita ay: Hindi natin mababago ang ating preference.

Ang magandang balita ay: Mababago natin ang kahulugan nito sa atin.

Ikaw naman?

  • Tinanong mo na ba sa sarili mo kung iba ang structure ng iyong utak sa ibang tao?
    Naisip mo ba na maaaring kang managot sa iyong sexual preference?
    Naisip mo ba kung ikaw ay mayroong ilang partikular na personalidad o pag-uugali na iba sa ibang tao?
    Tinanong mo ba ang sarili mo kung nagpakita ka ba ng ilang partikular na pagkilos o gawi na iba sa ibang tao noong ikaw ay bata pa? Nakaranas ka ba ng karahasan bilang bata o teenager (pisikal, sekswal, o berbal)? Tinanong mo ba kung ikaw ay nagkaroon ng normal na pagkabata na may normal na edukasyon?

 

Bumalik sa pangkalahatang-ideya

Selbsttest

 

Your online Session

Illustration von zwei Sprechblasen.