Illustration zum Thema der Schlüssel zum Wohlbefinden.

Tulong sa sarili
Ang sikreto ng kapakanan

Ang sikreto ng kapakanan ay nakasalalay sa pagbuo ng lakas sa loob at pagdagdag sa kakayahang ma-satisfy ang mga personal na pangangailangan habang iniiwasang sumali sa may problemang asal. Para matuklasan ang iyong mga kalakasan, tanungin ang sarili mo kung ano ang iyong mga pangunahing pinahahalagahan, bakit mahalaga ang iyong buhay at ano ang kahulugan sa iyo ng buhay. Ang bawat isa sa atin ay mayroong sariling mga natatanging pagpapahalaga at mga layunin at ang kakayahang maisip din ang mga ito. Ayon sa iyong mga personal na pagpapahalaga, maaaring maging mas mahalaga o hindi masyadong mahalaga sa iyo ang iba’t ibang pangunahing factor sa buhay. Maaari nitong dagdagan ang iyong panganib na isakatuparan ang mga may problemang paraan kung makokompromiso ang mga factor na mas mahalaga sa iyo. Para makamit ang satifaction at fulfillment, dapat maging responsable ka para sa sarili mong kapakanan.

Gabay

Pag-isipan ang iyong sitwasyon. Ano ang kasalukuyang maayos at ano ang bumabagabag sa iyo? Anong mga aspeto ng iyong buhay ang gusto mong baguhin? Mababago ba ang mga ito? Gumawa ng listahan at paghiwalayin ang mga ito sa pamamagitan ng mga bagay na mababago mo at ang mga hindi mo mababago. Magtuon ng pansin sa mga mababagong katotohanan! Pagsunud-sunurin ang mga ito nang inuuna ang pinakamahalaga.

Gaano kahalaga sa iyo ang mga sumusunod na factor sa buhay? Paano mo nasa-satisfy ang mga ito at anong level ng satisfaction?

  1. Buhay (kasama ang malusog na pamumuhay at paggana) 
  2. Kaalaman
  3. Kahusayan sa paglalaro 
  4. Kahusayan sa trabaho
  5. Kahusayan sa ahensya (autonomy at pagkontrol sa sarili)
  6.  Inner peace (kalayaan mula sa emosyonal na problema at stres)
  7. Pagiging nauugnay (kasama ang pamilya, kaibigan at mga intimate na relasyon)
  8. Komunidad
  9. Ispirituwalidad (sa mas malawak na diwa ng paghahanap ng kahulugan at layunin sa buhay)
  10. Kasiyahan
  11. Pagiging Malikhain

Pumili at isulat ang iyogn mga pangunahing pagpapahalaga. Ano ang pinaka na-e-enjoy mo sa buhay?

Kuwento ni John:

“Noong nagsimula akong isipin ang aking sitwasyon, lubha akong na-motivate at talagang determinado akong baguhin ang aking mga may problemang sekswal na asal. Bagaman may asawa ako at mahal namin ang isa’t isa, pinakamtindi ang aking sexual arousal kapag pinapantasya ang mga batang babae na nasa prepubescent. Hindi ako kailanman nagkaroon ng sekswal na kontak sa mga batang babae na hindi pa nagdadalaga o nagbibinata. Hindi masyadong mahirap na labanan ito, pero gumagamit ako dati ng mga larawan ng sexual abuse sa bata. Kahit na ang paghatol ng pagkakaroon ng child pornography sa edad na 18 ay hindi pumigil sa akin sa paghahanap sa internet ng mga bagong larawan paminsan-minsan. Palaging nandoon ang labis na kagustuhan. Noong ginawa ko iyon, palagi akong nahihiya pagkatapos ng session at ang napakasamang cycle ng galit sa sarili at depressed na mood ay nag-udyok sa aking maghanap ulit para malampasan ang mga nararamdaman na iyon. Sa pagdaan sa pagsusuri ng iba’t ibang sitwasyon nalaman ko na ang pagtingin sa mga larawang iyon ay ang halos tanging sitwasyon kung saan mararamdaman ko ang sandaling iyon at makakalimutan ang lahat ng hindi magandang nararamdaman at ang mundo sa paligid ko. Natukoy ko ang pagpapahalaga, pakikipagkaibigan, pag-e-enjoy ng buhay at paggalang sa sarili bilang mga pangunahin kong pinahahalagahan. Nalaman ko na ang aking pangangailangan na mapahalagahan ay nabigo sa aking pagkabata sa pamamagitan ng mga interaksyon sa aking ina, ang tao na nagkaroon ako ng pangunahing kaugnayan. Anuman ang ginawa ko o sinubukan kong gawin ay hindi kailanman naging sapat. Kaya mas nagsumikap ako pero hindi ko siya mapasaya. Kahit na mahirap aminin, tinanggap ko na hindi ko kailanman mababago ang aking karanasan sa pagkabata o ang katotohanan na ako ay pinahirapan ng aking sexual attraction sa mga batang babae. Ang pagtanggap ay nagbigay sa akin ng kaginhawaan at ang kakayahang magtuon ng pansin sa nagreresultang asal. Ang kontradiksyon sa pagitan ng aking mga pangunahing pagpapahalaga at ng aking may problemang asal ay naging obvious at naging responsable ako sa aking mga aksyon. Unti-unti kong sinimulang ipatupad ang araw-araw na pamumuhay nang nakatuon sa pangunahing pinapahalagahan. Nagsimula akong maglaan ng panahon sa aking mga social contact at mas madalas akong nakikipagkita sa aking mga kaibigan sa halip na mag-isa sa bahay. Nagsimula ako ulit ng martial arts training na itinigil ko ilang taon na ang nakalipas. Binigyan ako nito ng pagkakataong makuha ang “maramdaman ang sandali” habang pisikal na nakatuon sa aking katawan at pigilan ang mga hindi magandang naiisip. Paminsan-minsan nasa mood pa rin akong tumingin ng mga litrato sa internet, pero ngayon na alam ko na ang aking mga dating gawi at piniling magtuon ng pansin sa aking mga pangunahing pinahahalagahan, nalalabanan ko ang kagustuhan at nakakakilos sa ibang paraan.”

Bumalik sa pangkalahatang-ideya

Selbsttest

 

Your online Session

Illustration von zwei Sprechblasen.