Ang website na ito ay isang ligtas na espasyo para sa mga apektado. Walang personal na data ang iimbak o ipapasa sa isang third party. Nais naming mag-alok ng suporta sa mga taong apektado ng disposisyong ito, at bigyan sila ng mga paraan na makakatulong sa kanila na mamuhay kasama nito.
Sanayin ang iyong pananaw sa sarili
Para sanayin ang iyong pananaw sa sarili kailangan mo lang ng lapis, papel at espesyal na pagtuon ng pansin sa mga proseso mo sa loob. Sa tuwing hinaharap mo ang mga araw-araw na sitwasyon na may kaugnayan sa iyong sekswal na interes sa mga bata, pakidokumento ang mga karanasan mo at alamin kung paano ito nakakaapekto sa iyo. Maaari itong mga sitwasyon kung saan ikaw ay may kontak sa mga bata o mga sitwasyon kung saan mayroon kang mga sexual fantasy na may kaugnayan sa mga bata nang wala sila sa sandaling iyon.
Itala ang:
Sitwasyon (sino, saan, kailan)
Mga Naiisip
Pakiramdam
Mga nararamdaman sa katawan
Asal
Kagustuhang gumawa ng sexual abuse (sexual assault o paggamit ng mga larawan ng sekswal na pang-aabuso sa bata)
Mga Kahihinatnan (maganda/hindi maganda)
Mga alternatibong naiisip
Anuman ang pangyayari, malaki o maliit ay pwedeng makapag-trigger ng mga hindi kanais-nais na naiisip at nararamdaman. Sa tulong ng regular na pagtatala, magsisimula mong malaman ang mga paulit-ulit na pattern. Pagkatapos ng ilang linggo, magiging mas may karanasan ka sa iyong mga note. Sa katagalan, matututunan mong ma-anticipate ang posibleng hindi kanais-nais na asal at maaga itong mapipigilan.