Ang website na ito ay isang ligtas na espasyo para sa mga apektado. Walang personal na data ang iimbak o ipapasa sa isang third party. Nais naming mag-alok ng suporta sa mga taong apektado ng disposisyong ito, at bigyan sila ng mga paraan na makakatulong sa kanila na mamuhay kasama nito.
Ano ang pagtanggap?
Kunwari ikaw ay isang bus driver na tinatahak ang isang kalsada papunta sa isang partikular na destinasyon. Ang kalsadang minamaneho mo ay paliko-liko na may malalalim na lumbak at bump. Minsan, nahihirapan ka ring panatilihin ang iyong pagtingin sa kalsada. Sa daan, marami kang nakikilalang iba’t ibang pasareho. Minsan bastos at sinasabi ang kanilang mga opinyon nang malakas at agresibo, ang ilan ay tahimik na nakaupo at ang iba ay tinatakot ka sa pamamagitan ng pagsigaw sa iyo ng mga direksyon. Isipin mo ang bus na ito ay ang iyong kamalayan at ikaw ang sumusubok na ituwid ang sarili mo sa gitna ng lahat ng gulo na ito. Ang isa sa mga pasaherong ito ay maaaring tawagin na kalungkutan, ang isa pa ay maaaring tawagin na pedophilia, o galit sa sarili. Ang mga bisitang ito ay maingay at mapilit. Iniistorbo ka nila habang sinusubukan mong manatili sa kalsada. Pinapayuhan ka nila o sinusubukang makumbinsi kang kumanan o kumaliwa. Ang iba ay dini-discourage ka at sinasabi sa iyong mabibigo ka, anuman ang gawin mo. Maya-maya, maaari mong maisip na masyado kang abala sa pagharap sa mga bisitang ito na nakaligtaan mo na ang traffic sign o mali ang iyong pagliko. Kaya ititigil mo ang bus, iikot, at pagsasabihan ang iyong mga bisita, sa halip na magtuon ng pansin sa kalsada. Hindi ka umuusad. Sa halip, hinaharap mo ang mga bagay na walang kaugnayan sa iyong destinasyon. Nasa sa iyo ito: Patuloy kang makikipagtalo at makikipagsapalaran sa mga pasareho, o hahayaan mo sila, hahawakan ang manibela at magtutuon ng pansin sa kalsada, at sa destinasyong tinatahak mo. Malamang kakailanganin mong isama ang buong grupo at hindi mo maaalis ang mga ito. Gayunpaman, nasa sa iyo kung magtutuon ka ng pansin sa iyong paglalakbay o sisigawan ang mga bisita mo.
Ano ba mismo ang pagtanggap?
Ang pagtanggap ay…
… pagharap sa katotohanan.
… pagtigil sa pakikipaglaban sa katotohanan.
… pagtanggap sa kasalukuyang sitwasyon.
… pagpigil sa pagsubok na piliting mangyari ang mga imposibleng pagbabago
Ano ngayon ang kasunod?
Pamilyar na tayo sa palagay na malamang ay hindi nagbabago sa buong buhay ng isang tao ang sexual preference para sa kasarian, edad ng katawan, at pagkagusto.
Ganoon ba talaga ito kasama?
Posible itong makagulat sa ilang tao, pero sa totoo hindi ito isang malaking kapamahakan.
Ang sexual preference ay isang bahagi lang ng ating personalidad. Ang ating personalidad ay binubuo ng maraming bahagi. Kasama rito ang ating mga pagpapahalaga at mga mabuting asal, ang ating mga kalakasan at kahinaan, ang mga katangian ng ating personalidad, at aktwal na pagkilos. Ang lahat ng katangiang ito at marami pa ay bumubuo ng ating personalidad. Tandaan, ang pagkilos lang natin ang tumutukoy sa pananaw sa atin ng ibang tao sa konteksto ng pakikisalamuha. Ang mga sexual fantasy ay hindi nakasulat sa ating mga noo.
Ibuod natin ito
Ang pagtanggap ng sexual prefence ay nangangahulugan sa…
… pagkilala nito bilang isang bahagi lang ng ating personalidad.
… pag-unawa sa ating mga sarili bilang kung ano tayo.
… managot sa ating mga aksyon.
… magsumikap, na magkakaroon ng resulta sa kalaunan!