Ang website na ito ay isang ligtas na espasyo para sa mga apektado. Walang personal na data ang iimbak o ipapasa sa isang third party. Nais naming mag-alok ng suporta sa mga taong apektado ng disposisyong ito, at bigyan sila ng mga paraan na makakatulong sa kanila na mamuhay kasama nito.
Ano ang pedophilia? Ano ang hebephilia?
Ang pedophilia ay ang salitang ginagamit para ilarawan ang sexual preference para sa mga prepubescent na bata, na kung pag-uusapan ang pag-develop ng katawan ay hindi nakaabot sa pagdadalaga o pagbibinata. Ibig sabihin wala silang bulbol at/o buhok sa kili-kili, maliit ang ari ng babae, maliit ang ari ng lalaki o wala o maliit ang suso, at sa pangkalahatan ay hindi hihigit sa 11 taong gulang. Ang mga taong may pedophilia ay maaaring sekswal na attracted sa mga katawan ng mga batang babae at/o batang lalaki.
Ang mga taong may hebephilia ay nararamdamang sekswal silang attracted sa mga bata na ang development ng katawan ay nagpapakita ng mga unang palatandaan ng pagdadalaga o pagbibinata (halimbawa, nagsisimulang tubuan ng bulbol at/o buhok sa kili-kili, nasa maagang development ang vulva, nasa maagang development ang penis o ang pagsisimula ng paglaki ng suso). Ang mga sumusunod na obserbasyon sa sarili ay maaaring maging mga palatandaan para sa pedophilia/hebephilia:
- sexual arousal habang pinapanood ang mga prepubescent at/o nagdadalaga o nagbibinta pa lang na mga bata, o habang nakikipagkontak sa kanila
- Mga pantasyang nakakapag-arouse sa sekswal na paraan na kinabibilangan ng mga bata na may katawan ng prepubescent at/o nagdadalaga o nagbibinata pa lang
- paggamit ng mga larawan ng sekswal na pang-aabuso sa bata online (karaniwang tinatawag na "child pornography").
- Mga sekswal na asal sa harap ng o kasama ng mga bata.
May mga indibiduwal na lubhang nahihirapan bilang resulta ng kanilang sariling disposisyon, na nagdudulot ng pagkabalisa dulot ng epekto ng paggamot. Ang pagkakaroon ng sekswal na interes sa mga bata na may mga body scheme ng hindi pa nagdadalaga o nagbibinata o nagdadalaga o nagbibinata pa lang ay hindi nangangahulugang gumagawa ang mga taong ito ng mga sekswal na pang-aatake o awtomatikong gumagamit ng mga larawan ng sekswal na pang-aabuso sa bata (tinatawag na child pornography) sa internet. Kaya ang mga pagpapahayag ng pedophilia at hebephilia ay kailangang kapansin-pansing makita ang kaibahan sa sexual abuse sa bata. Sa ilalim ng batas na pangkriminal, ang pagtatalaga ng “sexual abuse sa bata” ay eksklusibong tumutukoy sa mga sekswal na asal kasama ng/kinabibilangan ng mga bata, samantala ang pedophilia at hebephilia ay inilalarawan ang sexual arousal o ginaganahan kaugnay sa mga menor de edad na hindi pa nagdadalaga o nagbibinata o nagdadalaga o nagbibinata pa lang.