Illustration zum Thema Medikamente als Option.

Tulong sa sarili
Mga opsyon para sa medikal na paggamot

Mga opsyon para sa medikal na paggamot

Ibinabahagi namin dito ang ilang impormasyon tungkol sa mga posibleng gamot na maaaring makapagpababa ng mga sexual impulse. Napakahalagang maunawaan na hindi nito mapapalitan ang personal na pagkonsulta at pagsusuri bago uminom ng gamot na ginagawa ng trained na professional, hal. isang psychiatrist. Ang pag-inom ng anumang gamot ay nangangailangan ng regular na kontak sa isang clinician.

Sa pangkalahatan, may dalawang uri ng kwalipikadong klase ng gamot. Ang mga antiandrogen (GnRH-analogues at mga androgen receptor antagonist) ay mas partikular na gamot para bawasan ang mga sekswal na kagustuhan; pinipigilan ng mga ito ang epekto ng Testosterone, ang sekswal na hormone ng lalaki sa katawan. Ang mga selective serotonin reuptake inhibitor (SSRI) ay hindi masyadong partikular na gamot, pero may epekto itong nakakabawas sa mga sexual urge.

Mga antiandrogen

Ang mga antiandrogen ay inirereseta para sa paggamot ng kanser sa prostate, na kadalasang umaasa sa Testosterone. Ang isa pang partikular na epekto ay ang pagbawas ng mga sexual impluse, lalo na para mapigilan ang may problemang sekswal na asal. Nakakaimpluwensiya ang mga gamot sa epekto ng testosterone sa katawan sa pamamagitan ng pag-antala sa paggawa nito o pag-block sa mga receptor. Magbibigay kami ng ilang detalyadong impormasyon tungkol sa pagkontrol at epekto ng testoterone sa ibaba.

Mga selective serotonin reuptake inhibitor (Mga SSRI)

Ang mga SSRI (kilala rin bilang mga antidepressant) ay humigit-kumulang hindi partikular na gamot para bawasan ang mga sexual impulse. Ginagamit ang mga ito sa paggamot ng depression pero ang kilalang side effect ay ang pagbawas sa mga sexual urge. Sa ganitong sitwasyon ang karaniwang itinuturing na side effect ay nagiging gumagamot na epekto, bagaman maaari ka ring magbenepisyo sa mas magandang mood!

Ang parehong gamot ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang epekto at mga side effect depende sa indibiduwal. Ang pisikal na pag-eehersisyo, lalo na ang edurance sports at pag-eehersisyo sa labas, ay pwedeng makaimpluwensiya sa mga (side) effect ng gamot sa isang indibiduwal.

Maraming pakinabang (mga pro) at mga disadvantage (mga con) sa pag-inom ng gamot. Ang parehong epekto ay maaaring ituring bilang pro para isang tao at con sa ibang tao.

Mga posibleng pakinabang (mga pro):

  • Nababawasan ang stress
  • Nabawasan ang paggamit ng pornography
  • Nabawasan ang masturbation
  • Nadagdagan ang pagiging kalmado ng sekswal na aspeto sa mga pakikisalamuha sa mga bata
  • Pakiramdam na pinalaya o malaya
  • Mas kaunti ang nararanasang urgency sa sexuality
  • Mas marami ang kumpiyansa at seguridad para tumigil sa pag-offend 
  • Mas kaunting mga sexual fantasy

Mga posibleng disadvantage (mga con):

  • Nabawasang masturbation
  • Nabawasang erectile function
  • Mas kaunting orgasm
  • Nabawasang interes sa pakikipagtalik (hal. sa partner)
  • Boring/hindi exciting ang buhay nang walang sexuality 
  • Hindi magandang mga side effect ng gamot (hal. paglaki ng suso (gynecomastia), pagkapagod, pagdagdag ng timbang)

Paano kinokontrol sa mga lalaki ang balanse ng testosterone?

Ang hypothalamus ay maliit na bahagi ng utak na palaging sumusubaybay sa level ng testoterone concentration sa dugo. Kung masyadong mababa ang level, nagpapadala ng mensahe ang hypothalamus sa pituitary gland sa pamamagitan ng paggamit ng messenger (luteinizing hormone-releasing hormone, o LHRH), para sabihin sa katawan na dapat gumawa ng testosterone. Inuutusan ng pituitary ang mga testicle na gumawa ng testosterone sa pamamagitan ng paggamit ng isa pang messenger (luteinizing hormone, o LH). Dagdag pa rito, hinihimok ang mga adrenal gland na gumawa ng mga androgen sa pamamagitan ng paggamit ng pangatlong messenger (adrenocorticotropic hormone, or ACTH). Pagkatapos, ang mga androgen at testoterone ay ginagawang dihydrotestosterone (DHT) sa katawan. Ang mga adrenal gland ay nag-aambag lang nang bahagya sa kabuuang paggawa ng dihydrotestosterone. Kung lalampas sa ilang punto ang level ng testosterone, bumababa ang mga messenger na humihimok sa paggawa ng testosterone sa mga testicle at ang mga adrenal gland – na tinatawag na negatibong feedback. Mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng testosterone sa pagbuo ng mga reproductive tissue ng lalaki tulad ng mga testicle at prostate, pati rin ang pagpo-promote ng mga secondary sexual characterstics, tulad ng nadagdagang tissue sa kalamnan, bone mass at pagtubo ng buhok sa katawan.

Responsable ang testosterone sa pagpapanatili ng mga sekswal na kagustuhan at mga urge.

Ang iba’t ibang selula sa katawan ay may taglay na mga testosterone receptor, tulad ng utak, mga dulo ng buhok, neural cell, at mga selula sa mga testicle at prostate. Nakakaapekto ang mga antiandrogen sa bahagi ng utak na responsable sa pagbawas ng mga sexual impulse sa pamamagitan ng pagbawas sa level ng testosterone sa dugo o sa pamamagitan ng pag-block sa mga receptor, kaya binabawasan ang bisa ng testosterone. May malaking grupo ng research at karanasan sa mga antiandrogen, at ito ang opsyon na medikal na paggamot na may kasamang pinakamagandang compatibility.

Mga karanasan ng mga lalaking piniling makatanggap ng gamot:

“Hindi ko alam na may iba pa akng maiisip, bukod sa mga bata sa aking mga pantasya… Nagulat ako sa lahat ng nakaka-interesanteng aktibidad na natuklasan ko simula nang umiinom ako ng gamot.”

“Pakiramdam ko na parang nalulunod ako rito at palagi kong kailangang tumingkayad para makahinga mula rito. Simula nang uminom ako ng gamot, relaxed talaga ako at nakita ko kung ano pa ang ibang nangyayari dahil hindi ako palaging abala na sinusubukang huwag malunod. Nagsimulang magmukhang nakaka-relax ang buhay.”

“Bago simulan ang paggamot sa pamamagitan ng pag-inom ng gamot, wala akong ibang palaging pinakakaabalahan buko sa mga bata. Palaging tungkol sa mga batang lalaki. Hindi ako makapag-concentrate sa ibang bagay. Sa TV, palagi lang akong naghahanap ng series na may mga batang lalaki at ginugugol ang buong gabi sa paghahanap ng mga litrato ng mga batang lalaki, ini-store ang mga ito at ina-archive. Kailangan kong mag-masturbate ng hanggang 5 o 6 na beses sa isang araw. Mas matagal bago mag-orgasm sa tuwing nagma-masturbate ako. Maraming oras ang ginugugol ko sa pagma-masturbate hanggang sa puntong mapagod ako. Hindi ako pumapasok sa trabaho o wala akong ginawang makabuluhan pero gayunpaman masyado akong abala at pagod. Simula nang uminom ako ng gamot, for the first time sa buhay ako naging malinaw ang aking isip. Bigla akong nakatuklas ng mga bagong interes bukod sa mga batang lalaki… Guminhawa ang pakiramdam ko mula sa isang malaking pasakit. Nagma-masturbate lang ako ng isa o dalawang beses sa isang araw at sa paggawa nito, nakakapag-relax din talaga ako.… Sa kabilang banda, hindi ito kasing bisa dahil sa gamot: halos hindi ka magkaroon ng ereciton, na hindi rin kasing tigas at mas matagal bago maabot ang orgasm at habang tumatagal pakaunti nang pakaunti ang sperm. Pero hindi ka madalas na nasa mood na gawin ito at mahalaga iyon sa akin.”

“Pakiramdam ko mas vulnerable ako, simula nang uminom ako ng gamot. Dati namumuhay ako nang may suit of armor, nasa loob ng tangke, palaging sinusubukang itago ang aking sarili at ang aking mga nararamdaman. Wala na ngayon ang pangangailangan na ito. Kahit na hindi ko sabihin sa sinuman kung ano ang iniisip at nararamdaman ko, naging mas bukas ako at hindi masyadong balisa na may makakaalam ng tungkol sa akin, na mayroong makakakita kung sino talaga ako. Mas kalmado na rin ako at mas relaxed sa harap ng iba pang nasa hustong gulang, dahil hindi ko na nararamdaman ngayon na may kailangan akong itago. Nandoon iyon, pero hindi na ako masyadong nababagabag nito. Tinitingnan ko ang pagkakataong makatagpo ng mga batang lalaki sa mas malayong pananaw.… Sa parehong pagkakataon, kailangan mong mag-ingat na hindi ka masyadong aasa sa gamot at hindi mo ililipat sa mga ito ang sarili mong responsibilidad… Well, iyon ang tungkol sa limitasyon, kapag nag-masturbate ka nang ilang beses araw-araw dati at ngayon, biglang naging isang beses na lang sa isang linggo at malayo ito sa parehong karanasan. Pero palagi kong iinumin ulit ang gamot, dahil nagkakaroon ka ng kaunting kayapaan at katahimikan. Inalis ko ang buong koleksyon ko ng mga litrato, dahil pakiramdam ko para akong tanga sa pangongolekta mula nang uminom ako ng gamot. Hindi ko maintindihan kung bakit nag-save ako ng 4,000 litrato, na wala nang saysay sa akin ngayon.”

Overview: detalyadong impormasyon ng gamot

 

 

Gonadotropin-releasing hormone analogue (GnRH-analogue)CyproteronacetatMga selective serotonin reuptake inhibitor (Mga SSRI)
Pangalan sa Negosyo ng GrupoAntiandrogen halimbawa: Decapeptyl®, Enantone®, Trenantone®Antiandrogen
Androcur®
Mga Antidepressant halimbawa: Seroxat®, Tagonis®, Zoloft®, Cipramil®
PaggamitKaraniwang ginagamit ang mga gamot na ito para gamutin ang kanser sa prostrate. Napipigilan ang paglaki ng kanser sa prostate kung bababa ang level ng testosterone sa dugo.Tulad ng GnRH-analogue, orihinal na ginawa ang Androcur para gamutin ang kanser sa prostate. Dagdag pa rito, ginagamit ito para bawasan ang mga level ng testosterone sa mga babae.Orihinal na ginawa ang mga selective serotonin reuptake inhibitor para gamutin ang depression. Ang mga ito ay ang mga pinakamadalas na gamiting gamot para sa ganitong layunin at ginagamit din para sa iba pang sakit sa isip, tulad ng mga anxiety disorder.
Paraan ng aksyonTinitiyak ng mga gamot na ito na nakakakuha ng senyales ang pituitary gland na mayroong sapat na testosterone. Alinsunod, pinabababa ng pituitary gland ang paggawa ng mga messenger sa mga testicle. Kaya hindi na nakakagawa ng testosterone ang mga testicle.Sa katawan, hinaharangan ng Androcur ang mga testosterone receptor. Nananatili sa dugo ang testosterone pero hindi masyadong mabisa. Sa ganitong paraan, nakakakuha ng parehong epekto na parang nakakapagpababa ng level ng testosterone.Ang konsentrasyon ng serotonin (isang neurotransmitter sa utak) ay nadaragdagan sa mga synapse (mga junction ng mga neuronal cell) at inookupahan ang mga receptor, na nagdudulot ng mga antidepressant na epekto. Wala itong epekto sa mga taong walang depression. Hindi pa rin ganap na naiintindihan kung paano nababawasan ng mga SSRI ang mga sexual fantasy at mga sexual impulse, dahil hindi nito naaapektuhan ang pag-imbak ng testosterone. Sa isang palagay maaaring ipaliwanag ang epekto sa pamamagitan ng mas mabagal na pagpuno ng emosyonal na kalagayan.
Mga epekto sa sexualityNapakadalas: pagbawas ng mga pantasya at mga sexual impulse, pagbawas ng erection at kakayahang mag-orgasm. Mga sexual fantasy at sexual impulse, pero nananatiling hindi nagbabago sa kanilang pagtuon ng pansin.Inilalarawan ang katulad na epekto sa sexuality gaya ng sa GnRH-analogue, hindi lang gaano matindi. Madalas: pagbawas ng mga sexual fantasy at mga sexual impulse, mas kaunting erection at nabawasang kakayahang mag-orgasm. Mga sexual fantasy at sexual impulse, pero nananatiling hindi nagbabago sa kanilang pagtuon ng pansin.Pagbawas ng mga sexual impulse, sexual arousal at kakayahang mag-orgsam (hindi sa lahat ng pasyente). Mas maliit na epekto ito kaysa sa mga antiandrogen.
Mga Hindi Ninanais na EpektoNadagdagang pamamawis, mga hot flash, pananakit ng buto, nabawasang bone density, nadagdagang timbang, pagkapagod, pananakit ng kasu-kasuan, pananakit ng likod, asthenia (kakulangan ng enerhiya), nabawasang mass ng kalamnan, huminang paggawa ng sperm, pagliit ng testicle, depressed na mood, nabawasang buhok sa katawan. Bihira: Pagkatapos itigil ang pagamit, hindi na umaabot sa orihinal na level ang level ng testosterone.Tumaas na mga value sa atay, pagkapagod, hindi makapagtuon ng pansin, paglaki ng suso (gynecomastia), nadagdagang timbang, thrombosis, huminang paggawa ng sperm, depressed na mood.Sa pangkalahatan, ang mga SSRI ay mga ligtas at nakakayanang mabuti na mga gamot. Ang mga inisyal na side effect na tulad ng pagkabalisa, pagduruwal, pagkahilo, at insomnia ay kadalasang nawawala pagkalipas ng 1-2 linggo.
TampokSa simula ng paggamot, magkakaroon ng pagtaas ng testosterone. Kaya, kailangang uminom ng antiandrogen bilang karagdagan.  
Requirements para sa mga pisikal na eksaminasyon (bago uminom ng gamot at habang umiinom ng gamot)Regular na pagkontrol ng mga value ng dugo at pagsukat ng bone density tuwing 1-2 taon depende sa edad at mga dati nang kondisyonRegular na pagkontrol ng mga value ng dugo, lalo na sa mga value ng atay, at malamang ay pagkontrol ng timbang ng katawan at asukal sa dugo.ECD, mga value ng dugo at atay
IntakeIniiniksyon sa kalamnan tuwing 3 buwan.Sa pamamagitan ng alinman sa iniksyon tuwing 2 linggo o bilang iniinom na gamot araw-araw. Hindi gaanong nahihirapan ang katawan sa iniksyon kaysa sa tableta.Isang tabletang iniinom ng isang beses hanggang maraming beses araw-araw. Hindi ito maaaring ibigay bilang iniksyon.
PagsusuriMaaasahang pagbawas sa mga sexual fantasy at mga sexual impulse. Mas maganda ang mga resulta kaysa sa mga antiandrogen at magandang compatibility sa pangkalahatan.Maaasahang pagbawas sa mga sexual fantasy at mga sexual impulse. Magagandang resulta at magandang compatibility sa kabuuan.Hindi maaasahan at mahina lang ang pagbawas sa mga sexual fantasy at mga sexual impulse. Magandang compatibility sa kabuuan
Bumalik sa pangkalahatang-ideya

Selbsttest

 

Your online Session

Illustration von zwei Sprechblasen.