Ang website na ito ay isang ligtas na espasyo para sa mga apektado. Walang personal na data ang iimbak o ipapasa sa isang third party. Nais naming mag-alok ng suporta sa mga taong apektado ng disposisyong ito, at bigyan sila ng mga paraan na makakatulong sa kanila na mamuhay kasama nito.

Online Selbsthilfe
-
Structure ng sexual preference
Mas titingnan nating mabuti ang mga bumubuo sa structure ng sexual preference at makakakuha ng insight sa makulay na mundo ng mga sekswal na pagnanais, kabilang ang sa iyo.
-
Mga may problemang sekswal na asal
Sa sandaling may mahigit sa isang taong kasali sa isang sekswal na aktibidad ito dapat ay batay sa napagkasunduan nilang pareho. Tatalakayin namin ang bagay na tungkol sa pahintulot na alam ang mga posibleng kahihinatnan pagdating sa mga may problemang sekswal na aktibidad.
-
Myth buster
Susuriin natin ang mga haka-haka (mga maling palagay) at mga katotohanan (mga totoong resulta) tungkol sa pag-ibig, sexuality, at mga batang nakakaranas ng mga assault na may layuning alisin ang mga maling palagay.
-
Positibong pananaw sa isang bagay
Kung titingnan ng isang tao ang isang bagay sa positibong pananaw, nakikita lang nila ang magagandang bahagi nito. Sisiyasatin natin ang isang sitwasyon at tutuklasin kung paano nakokontrol ng ating mga naiisip ang karanasan ng katotohanan.
-
Pagsisimula ng mga sexual attraction
Sa mga naghahanap ng dahilan, malalaman nila na sa katunayan ay maraming dahilan… Tatalakayin natin ang mga dahilan ng pagkakaroon ng isang sexual preference o iba pa at makakuha ng insight sa kung paano mauunawaan ang bawa’t isa.
-
Pagtanggap
Hindi ibinibigay ang pagtanggap. Nakukuha ito sa pamamagitan ng kaalaman. Sasabihin namin ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagtanggap at susubukang gamitin ang kaalaman na ito sa aming sexual preference.
-
Magpahinga
Ang mga problema sa pagma-manage ng oras, paulit-ulit na sakit ng ulo, stress sa trabaho, o patuloy na mga pantasya tungkol sa mga batay ay madaling makaubos ng ating atensyon o makaabala sa atin. Titingnan natin ang isang pamamaraan para mag-relax na makakapagbigay-daan sa ating mas madaling matutunan ang mga hamon sa araw-araw.
-
Pantasya at pagkilos
Ipapaliwanag namin ang kahalagahan ng pagtukoy sa kaibihan ng pantasya at pagkilos. Sa pagkakaroon ng mas malalim na pag-unawa ng ating mga sariling sekwal na pantasya at mga pagkilos, mapapahusay natin ang pagkontrol sa udyok kaugnay sa mga sekswal na ninanais na ito.
-
Pananaw sa sarili
Mas titingnan nating mabuti ang ating mga sarili at ang ating mga saloobin. Ang layunin nito ay matukoy ang hindi kanais-nais na sekswal na asal at mga posibleng hindi magandang sitwasyon, at malaman kung paano mamamagitan sa maagang yugto sa pamamagitan ng pagdidisiplina sa mga naiisip at nararamdaman.
-
Mga personal na trigger
Ang panganib na gumawa ng sexual assault o gumamit ng mga larawan ng sexual abuse sa bata ay hindi palaging pareho, pero sa halip ay depende ito sa ilang partikular na kondisyon. Aalamin natin kung paano matutukoy ang “mga trigger” na iyon, halimbawa ang mga dahilan na nakakadagdag sa panganib na maging pagkilos ang mga pantasya.
-
Pagsusuri ng sitwasyon
Susuriin natin kung ano ang mangyayari bago, habang, at pagkatapos gumamit ng mga larawan ng mapang-abuso sa bata o ng isang sexual assault sa bata para makabuo ng mga mekanismo sa pagkontrol ng pagkilos sa pinakamaagang yugto.
-
Pagkontrol sa kagustuhan
Isa… dalawa… tatlong piraso ng chocolate… habang nagdidiyeta? Minsan napakahirap makontrol ang ating mga kagustuhan. Dito, titingnan natin ang kahalagahan ng pagkontrol sa kagustuhan at susubukang maghanap ng mga paraan para mapahusay ito sa ating araw-araw na buhay.
-
Awa
Nakakakita man tayo ng kasiyahan o kapighatian, may kakayahan tayong mga tao na maunawaan ang iba. Mas titingnan nating mabuti ang kakayahang maunawaan ang ibang tao at tutuklasin natin kung paano tayo tinutulungan ng kakayahang ito na mapamahalaan ang ating mga kapaligiran kung saan tayo nakikisalamuha.
-
Sulat ng isang biktima
Ang sekswal na pag-offend sa bata ay nakakaapekto nang malaki sa emosyonal at pisikal na kalusugan ng mga biktima. Dito, babasahin natin ang sulat ng isang biktima ng sexual abuse sa pagkabata at tutugunan ang mga resulta ng karanasang iyon.
-
Mga opsyon para sa medikal na paggamot
Ang ilang tao ay nakakaranas ng mga sekswal na kagustuhan o mga pantasya na masyadong matindi, hindi makontrol, at nagdudulot ng kapansin-pansing pagkabalisa. Para sa mga tao, magbibigay tayo ng isang overview ng pag-inom ng gamot bilang karagdagang mahalagang opsyon.
-
Ang sikreto ng kapakanan
Para magkaroon ng magandang buhay at mapanatili ang ating kapakanan, dapat nating tugunan at pangalagaan ang ating mga indibiduwal na pangangailangan. Kaya, magbibigay kami ng maikling guide at magbabasa ng kuwento ng isang binatilyo na nagawa ito sa pamamagitan ng pag-unawa at pagharap sa kanyang mga hindi magandang pagkilos.